Nasaan Na?
Pagkagising sa umaga
Damdamin ay lumbay at 'di mapalagay
'Di makakain 'di makaisip
Laging nagmumukmok laging nakabugnot
Nagtataka ako kung bakit biglang naglaho
Ang init ng ating pag-ibig pagmamahalan
Sino bang may kakulangan sa 'ting dalawa
Dating suyuan at lambingan nasaan na
Nasa dulo na ng dila
'Di kayang banggitin ayaw pang sabihin
Katotohanan iniiwasan
Iguhit sa langit 'di rin babasahin
'Di ko matanggap kung bakit biglang naglaho
Ang init at apoy ng ating pagmamahalan
Dating pag-ibig at lambingan nasaan na ba napunta
Oh pag-ibig nasaan ka na nasaan ka na
Nasaan na (ang pagmamahalan)
Nasaan na (ang ating suyuan)
Nasaan na (pinangakong tadhana)
Nasaan na (na tayo'y magsama-sama)
Nasaan na (ang init ng 'yong halik)
Nasaan na (ang tamis ng 'yong labi)
Nasaan na (ang dating sumpaan)
Nasaan na nasaan na (ang dating lambingan)
Nasa dulo na ng dila
'Di kayang banggitin ayaw pang sabihin
Katotohanan iniiwasan
Iguhit sa langit 'di rin babasahin
'Di ko matanggap kung bakit biglang naglaho
Ang init at apoy ng ating pagmamahalan
Dating pag-ibig at lambingan nasaan na ba napunta
Oh pag-ibig nasaan ka na nasaan ka na
Nasaan na ang pagmamahalan
Nasaan na ang dating suyuan
Nasaan na pinangakong tadhana
Nasaan na na tayo'y magsama-sama
Nasaan na ang init ng 'yong halik
Nasaan na ang tamis ng 'yong labi
Nasaan na ang dating sumpaan
Nasaan na ang dating lambingan nasaan na
Awo awo awo awo awo awo awo awo
Pagkagising sa umaga
Damdamin ay lumbay at 'di mapalagay
'Di makakain 'di makaisip
Laging nagmumukmok laging nakabugnot
Nasa dulo na ng dila
'Di kayang banggitin ayaw pang sabihin