Hiram Na Alaala
Araw at gabi ako'y nagdarasal
Na sana'y magbalik ang yong pagmamahal
Na ang pangako mo'y di ako iiwan
Di ako pababayaan magpakailanman
Ang tadhana ba ay sadyang mapagbiro
Ang pagmamahalan natin ay saan ba patungo
Hiram na alaala
Bakas ng kahapo'y tila nalimutan mo na
Ang pag-ibig na minsa'y ating pinagsaluhan
Ngayon ay nasa'n na
Hiram na ala-ala
Pangakong hawak natin sa isa't isa
Mayro'n pa bang pag-asa itong puso kong nangungulila
Sana'y manumbalik ang hiram na ala-ala
Sinisigaw ng aking puso na tayong dalawa ay di magkalayo
Bakas ng ating sumpaan na ang mundo'y atin lamang
Higpit ng yakap tamis ng halik ang hinihintay ko
Sa'yong pagbabalik
Hiram na alaala
Bakas ng kahapo'y tila nalimutan mo na
Ang pag-ibig na minsa'y ating pinagsaluhan
Ngayon ay nasa'n na
Hiram na ala-ala
Pangakong hawak natin sa isa't isa
Mayro'n pa bang pag-asa itong puso kong nangungulila
Sana'y manumbalik ang hiram na ala-ala