Kapangyarihan Ng Pag-Ibig
Ha ha ha
Atras-abante hindi ko maintindihan (tindihan tindihan tindihan )
Minsan kampante bigla na lang mawi-windang (mawi-windang mawi-windang mawi-windang)
Paulit-ulit lang buong maghapon para lang nakakahon
Pawang natapon naubos na ng panahon (panahon panahon panahon)
At nang tinawag mo inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo't binago ang pulso
Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo oh
Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal (pagmamahal pagmamahal pagmamahal oh)
Siyang nararapat sa puso kong napapagal (napapagal napapagal napapagal oh)
Lahat ay kakayanin kong daanan kayang-kayang lampasan
Walang hangganan ngayon at magpakailanman (kailanman kailanman kailanman )
Pagkat tinawag mo inawat mo ang ikot ng mundo
Niyakap mo't binago ang pulso
Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo oh
'Di ko kaya pag wala ka huwag na
Sa piling mo ay may pag-asa
Sa piling mo walang iba
Hindi mapipigilan ng daluyong
Hindi mababagabag ng dagundong
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo oh
Hindi matatawaran ang pangarap
Hindi mababawasan ang lagablab
Sa bisa ng kapangyarihan ng pag-ibig mo oh
Oh oh oh
Oh oh oh
Sobrang salamat sa dulot mong pagmamahal