Isang Anghel

Sam Marquez, Tim Marquez, Zild

Ang iyong mga mata ang aking nakikita
Paligid ko ay sumaya halika na at humimlay
Ayoko munang mamatay

Kahit na mahirap ang mabuhay nga sa lupa
Pipiliin daigdig sa kahit anong planeta pa
Mahalaga'y kasama ka

Ayoko munang mamatay ngayon
Ang buhay ko na matamlay noon
Paligid ko ay nag-iba
Noong natagpuan kita sinta

Nakaraan oh kay dilim wala akong makita
At no'ng ikaw ay dumating wala nang hahanapin pa
Ngiti pa lang sapat na nga

Ano ba'ng dahilan kung bakit ka ganyan
Kumikinang-kinang wala nang babaguhin pa ah-ah
Basta magpakatunay ka ah

Ayoko munang mamatay ngayon
Ang buhay ko na matamlay noon
Paligid ko ay nag-iba
Noong natagpuan kita sinta

'Di ko akalain na ito
Lang ang kailangan ko dito
Para kang isang anghel
Na hindi pumapapel

Músicas más populares de Zild

Otros artistas de Pop rock