Sapalaran (feat. Robledo Timido)
May mapapala rin kahit hindi papalarin
'Di papalarin di papalarin yeah
May mapapala rin kahit hindi papalarin
'Di papalarin di papalarin yeah
Pangarap ay tinutupad hindi lang puro plano
Daming gustong patunayan kaya ganado
Kalmado, kaya galaw mas kalkulado
Enerhiyang positibo, iwas sa negatibo
At hayaan mo akong mag ingay
Pakinggan kwento ng aking buhay
Dito na ako nagagalak, dito na ako natutuwa
Panoorin mo akong makawala sa sistemang ating nakasanayan
Magdamag sa pagtatrabaho
Yan ba gustong kahinatnan?
Kaya ito sa musika ako'y nakikipag sapalaran sapalaran
May mapapala rin kahit hindi papalarin
Di papalarin di papalarin yeah
May mapapala rin kahit hindi papalarin di papalarin di papalarin yeah
May mapapala rin kahit na hindi palarin
Lalaktawan ang mga humarang na balakid sa 'king hangarin
Hindi lahat pinipitas minsan merong nalalaglag
Kaya aking binibigkas kaya merong nadadagdag
Ako'y sumulong sa kainitan sumilong sa kaliliman
Tumulong sa kaibigan, humilom ang kabingihan
'Di hirap sa pagbaba dahil hulog nga daw ng langit
Pag akyat ay di parusa kahit tuhod ay nangangawit
Pagong ba akong umasenso pero di magiging imyutable
Pasensya kong mababaw kaya kalimitan iritable
Marami ka pang pangarap na makakapulpugan
Sa bawat daan ay meron ka pang makakatugtugan
At ang iyong mga kasabay na makakauntugan
Kami'y naghahatiran at nagkakasunduan
Tangan ng maigi ang iyong pinapangarap at
Wag kang maging madamot dapat ito'y pinapayakap
May mapapala rin kahit hindi papalarin
'Di papalarin di papalarin yeah
May mapapala rin kahit hindi papalarin
'Di papalarin di papalarin yeah