Litrato Ngayong Pasko
Parang kailan lang
Yakap yakap ka nitong nakaraan
Binubulong mo pang
Sa pag-ibig nato'y walang iwanan
Parang kailan lang
Hawak hawak ko ang iyong kamay
At sabi mo pang kaya nating tong magkasabay
Lumisan kang muli inakala'y sandali
Magpapasko na at wala ka pa
Nakatingala't tulala sa may lumang bintana
Magpapasko na ako'y umaasang
Kahit may bagong litrato lang tayo muli
Ngayong pasko
Parang kailan lang
Araw-araw tayong kumakanta
May dala kang gitara't tinutugtog ang ating musika
Lumisan kang muli inakala'y sandali uhm
Magpapasko na at wala ka pa
Nakatingala't tulala sa may lumang bintana
Magpapasko na ako'y umaasang
Makapiling kita't masaya tayong magkasama
Magpapasko na at wala ka pa
Nakatingala't tulala sa may lumang bintana
Magpapasko na ako'y umaasang
Kahit may bagong litrato lang tayo muli
Ika'y umuwi ngayong pasko