'Pag Pwede Na Ang Puso Mo
Hanggang dito lang ba tayo
Magkaibigang totoo
Sa isa't isa'y wala ngang tinatagong sikreto
At pati nga sa pag-ibig
Sa payo ko nakikinig
Kahit na iba ang liligaya
Basta't ikaw ay masaya
Sa tuwing tayo'y magkasama
Labis-labis ang saya
Madalas pang mapagkamalan na tayo nang dalawa
Tinatawanan nga lang natin
Masakit man sa damdamin
O kay hirap tanggapin kung bakit 'di ka naging akin
O kayraming dahilan upang ikaw ay mahalin
Iisa na lang ang aking nararapat na gawin
Kinakailangan kong labanan ang nararamdaman
Dahil may mahal ka ngang iba 'di siya dapat masaktan
Maghihintay na lang sa'yo nandito lang ako
Pag pwede na ang puso mo
Kailan pa maniniwala
Kung anong mali at tama
Minsa'y parang nais na kitang agawin sa kanya
Ngunit di ko sisirain
Ang pinagsamahan natin
At ang tangi kong dalangin
Ikaw sana'y maging akin