Diskarte
Lahat na lang sinusubukan
Kahit na nahihirapan
Gulong-gulo man ang isipan
Pero pinipili na lumaban
‘Di bibitiw ano man ang mangyari
Ganyan ‘pag sipag at diskarte ang paiiralin
Walang hindi kayang gawin
Lahat ay kakayanin
Mundo’y aabutin
Huwag kang panghihinaan
Tuloy lang, tuloy ang laban
Pangarap ay pagsikapan
Kapit ka lang, kaya mo ‘yan
Diskarte ang kailangan
Huwag kang panghihinaan
Diskarte ang kailangan
Kapit ka lang, kaya mo ‘yan
Diskarte ang kailangan
Ibigay mong lahat para walang pagsisihan
Ang mga bagay na gagawin ay kailangan mong mapag-isipan
At ano pang sabihin sa ‘yo ay ‘wag kang magpapa-apekto
Huminga saglit tapos tuloy ulit
Walang hihinto hangga’t pangarap ay makamit
Huwag kang panghihinaan
Tuloy lang, tuloy ang laban
Pangarap ay pagsikapan
Kapit ka lang, kaya mo ‘yan
Diskarte ang kailangan
Huwag kang panghihinaan
Diskarte ang kailangan
Kapit ka lang, kaya mo ‘yan
Diskarte ang kailangan
Walang makakahadlang (diskarte ang kailangan)
‘Pag gusto may paraan (diskarte ang kailangan)
Lahat malalampasan, bigat ay gagaan
Kapit ka lang, kaya mo ‘yan
Diskarte ang kailangan
Walang makakahadlang
‘Pag gusto may paraan
Lahat malalampasan
Bigat ay gagaan
Walang makakahadlang
‘Pag gusto may paraan
Lahat malalampasan
Bigat ay gagaan
Kapit ka lang kaya mo ‘yan
Diskarte ang kailangan