Ang Iyong Paalam

Larawan mo sa 'king kamay
Puno ng pag-asa
May pangakong inaalay
Pangakong babalik ka
Ngunit sa bawat gabi
Hindi mapalagay
Dahil may nagsasabing
Wala na ang tulay

Ngayon sa t'wing sumisigaw
Pusong giniginaw
Iyo bang nadarama
At kung ika'y mawawala
Makakaya ko ba
Ang 'yong paalam ang 'yong paalam

Bakit ba nagpakita ka
Para maglaho lang
Magparamdam ka naman
Kahit na sandali lang
Ikaw ang hangin at ulan
Ikaw ang buhay ko
Kung ika'y mawawalay
Paano na ako

Ngayon sa t'wing sumisigaw
Pusong giniginaw
Iyo bang nadarama
At kung ika'y mawawala
Makakaya ko ba
Ang 'yong paalam ang 'yong paalam

Ngayon sa t'wing sumisigaw
Pusong giniginaw
Iyo bang nadarama
At kung ika'y mawawala
Makakaya ko ba
Ang 'yong paalam ang 'yong paalam

Ngayon sa t'wing sumisigaw
Pusong giniginaw
Iyo bang nadarama
At kung ika'y mawawala
Makakaya ko ba
Ang 'yong paalam ang 'yong paalam
Larawan mo sa 'king kamay

Músicas más populares de The Dawn

Otros artistas de Pop rock