Tao

BRUNO BERTOLI, GUILLAUME BRIERE, DANY HERICOURT, BENJAMIN LEBEAU, YOANN LEMOINE

Kilala mo ba ako
Pagkatapos ng gulo sino ba talaga ako
Ako'y katulad mo
Na marunong masaktan nasusugatan napipikon

Hindi mo lang alam (ang hindi niyo lang alam)
O akala mo lang (o akala mo lang)
Kailangan ko rin ng pahinga
Sa problema sa problema

Pare-pareho lang tayo
Pare-pareho lamang tao
Pare-pareho lang tayo
Pare-pareho lamang tao

Gusto mo bang lumipad
Ako minsan ayoko na minsan ayoko na
Kung saan-saan napapadpad
Hanggang ayoko na ayoko na

Hindi mo lang alam (ang hindi mo lang alam)
O akala mo lang (o akala mo lang)
Kailangan ko rin ng pahinga
Sa problema sa problema

Pare-pareho lang tayo
Pare-pareho lamang tao
Pare-pareho lang tayo
Pare-pareho lamang tao

Bumibigat ang pasan (ah)
Dumidilim ang daan (ah)
At kahit na anong mangyari
Kailangan ko'ng maging bayani

Pare-pareho lang tayo
Pare-pareho lamang tao
Pare-pareho lang tayo
Pare-pareho lamang tao

Oh huwag kang magpapaloko tao lang ako
Taong tulad mo

Curiosidades sobre la música Tao del Sugarfree

¿Quién compuso la canción “Tao” de Sugarfree?
La canción “Tao” de Sugarfree fue compuesta por BRUNO BERTOLI, GUILLAUME BRIERE, DANY HERICOURT, BENJAMIN LEBEAU, YOANN LEMOINE.

Músicas más populares de Sugarfree

Otros artistas de Pop rock