Kahit Pa Ikaw

Mark Alexander Cuenco

Hindi lingid sa'yo na ikaw ang buklod sa lahat ng pag-suyod ikaw ang buod
Alam mo rin namang wala ng iba na kayang tuklasin ang gantong tipo ng saya
Ngunit bakit lumilihis ang ihip ng hangin palayo ka na sa akin
Di na masabi kung kailangang bumitaw para sa'tin kahit pa ikaw

Ang bawat pintig ng pusong ito ay bawat pantig ng pangalan mo
Ang bawat tibok ay may hangganan kahit pa ikaw ang buhay na kailangan (kahit pa ikaw)

Ang hiling kong ligaya pa noon minsan dalangin ay tinutugon
Ngunit ngayon 'di na gaya noon ramdam mo rin ang nag-iba't bukod tangi na bakit
Lumihis ang ihip ng hangin palayo ka na sa akin
Di na masabi kung kailangang bumitaw para sa'tin kahit pa ikaw

Ang bawat pintig ng pusong ito ay bawat pantig ng pangalan mo
Ang bawat tibok ay may hangganan kahit pa ikaw ang buhay na kailangan kahit pa ikaw

Kung pipilitin pa ano kayang sagot sa kung bakit pa oohhh
Kung pipigilan ka anong magagawa nyan kung ang dulo ng lahat ang simula

Ng pag-bitaw mo sa akin kahit pa ikaw ang bawat pintig ng puso kong sumisigaw
Isasalba kita kahit pa ikaw

Músicas más populares de Sud

Otros artistas de Gospel