Makapiling Ka

Yael Yuzon

[Verse 1]
Pagdilat, ikaw agad ang hinahanap sa umaga
Nasaan ka na? Malayo ka pa ba?
Kay tagal ng 'yong pagbabalik
Minsan nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin, malalim ang isip
Kailangang magkita muli

[Chorus]
Sa pagpatak ng bawat sandali (Bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (Ang aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (Sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka, makapiling ka

[Verse 2]
Pagdungaw, meron kayang mabuting balitang darating
Hinahanda ang pagngiti, kasabay ng pagsambit
Sa ngalan mo pagdating ng sandali

[Chorus]
Sa pagpatak ng bawat sandali (Bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (Ang aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (Sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka, makapiling ka

[Bridge]
Lalong lumalapit, araw ng pagsapit
'Di magkukulang laging nag-aabang

[Chorus]
Sa pagpatak ng bawat sandali (Bawat sandali)
Nakatikom lagi ang aking mga labi (Ang aking mga labi)
Inaaliw ang sarili sa musika (Sarili sa musika)
Nananabik makapiling ka

[Outro]
(Sa pagpatak ng bawat sandali)
Makapiling ka (Nakatikom lagi ang aking mga labi)
Makapiling ka (Sa pagpatak ng bawat sandali)
Makapiling ka (Nakatikom lagi ang aking mga labi)
Pagdilat, ikaw agad ang hinahanap sa umaga

Curiosidades sobre la música Makapiling Ka del Sponge Cola

¿Cuándo fue lanzada la canción “Makapiling Ka” por Sponge Cola?
La canción Makapiling Ka fue lanzada en 2008, en el álbum “Sponge Cola”.
¿Quién compuso la canción “Makapiling Ka” de Sponge Cola?
La canción “Makapiling Ka” de Sponge Cola fue compuesta por Yael Yuzon.

Músicas más populares de Sponge Cola

Otros artistas de Post-rock