Salamin

JAMES CLARKE

Nalunod na ako sa pagsisi
Napaso na ako sa apoy
Tinatago ko ang tunay kong sarili
Ito ang susi ko sa bandang huli

Nag-iiba na ang damdamin ko
Lumilitaw ang tunay na kulay ko
Wag maniwala sa sinabi ko
Saltik ng dila kasing lamig ng bato
At ngayon naririto

Aaminin ang tunay na anyo
Sa harap ng salamin
Sasabihin ang tunay na anyo
Sa harap ng salamin

Inilihim ko ang luha na inipon
Iginuhit sa balat ang sakit
Nilinlang ko na matibay ang sarili
Nilabanan ang araw at gabi

Nag-iiba na ang damdamin ko
Lumilitaw ang tunay na kulay ko
Wag maniwala sa sinabi ko
Saltik ng dila kasing lamig ng bato
At ngayon naririto

Aaminin ang tunay na anyo
Sa harap ng salamin
Sasabihin ang tunay na anyo
Sa harap ng salamin

Di na iniisip ang masukal na daan
Ako ngayon nagkukubli upang ika'y mabalikan
Sa iyong mundo

Aaminin ang tunay na anyo
Sa harap ng salamin
Sasabihin ang tunay na anyo
Sa harap ng salamin

Aaminin ang tunay na anyo
Sa harap ng salamin
Sasabihin ang tunay na anyo
Sa harap ng salamin

Curiosidades sobre la música Salamin del Slapshock

¿Cuándo fue lanzada la canción “Salamin” por Slapshock?
La canción Salamin fue lanzada en 2011, en el álbum “Kinse Calibre”.
¿Quién compuso la canción “Salamin” de Slapshock?
La canción “Salamin” de Slapshock fue compuesta por JAMES CLARKE.

Músicas más populares de Slapshock

Otros artistas de Alternative rock