Pagdating

Ramiru Mataro

sa'yong pagdating
para bang natupad aking hiling
anong ligaya ang iyong dinala
nagliliwanag ang bawat sulok
sa sala't sa mesa o kusina
kapag ako lang mag-isa
o kay sarap mabuhay sa 'yong pagtawa

sa'yong pagdating
para bang natupad aking hiling
na sa bawat oras ay makasama ka
hanggang sa kaya mo na ang mag-isa
ang mundo'y walang pinag-iba
pareho lang may mabuti't masama't
nanamnamin bawat sandali'y habang ika'y bata

iikot ng mabagal ang aking mundo sapagkat

aking akala na hindi ko kaya
ngunit tinuruan mo ako na mag-isa
aking akala na hindi ko kaya
napatunayang ako'y mali nung dumating ka

ngayo'y dumating
ang akin lamang na hiling
na lagi-lagi pakatatandaan
na sa bawat pakikipagsapalaran
ang mundo'y lagi kang sasaktan
ngunit pag-ibig iparamdam
maikli lang ang buhay kaya't tayo'y magmahalan

iikot ng mabagal ang aking mundo sapagkat

aking akala na hindi ko kaya
ngunit tinuruan mo ako na mag-isa
aking akala na hindi ko kaya
napatunayang ako'y mali nung dumating ka

aking akala na hindi ko kaya
ngunit tinuruan mo ako na mag-isa
aking akala na hindi ko kaya
napatunayang ako'y mali nung dumating ka

Curiosidades sobre la música Pagdating del Sitti

¿Quién compuso la canción “Pagdating” de Sitti?
La canción “Pagdating” de Sitti fue compuesta por Ramiru Mataro.

Músicas más populares de Sitti

Otros artistas de Bossa Nova