Gagawin Ko Lang Baclaran

Noel Palomo

Sa puso ko'y tumama ang isang munting paghanga
Na sa tuwing ika'y makikita parang baliw tuwang-tuwa
At 'di ko alintana kahit pa anong pagsubok
Makamit ko lang ang tala tatawirin kahit ilang bundok
At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan
Palagi kitang pupuntahan gagawin ko lang Baclaran
D'yan mo 'ko maasahan d'yan mo 'ko mahahangaan
D'yan mo mararanasan ang tunay na pagmamahalan
Na 'di mo malilimutan sa iyong buong buhay
At kahit pa sa kamatayan ay nakahanda 'kong tumulay
At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan
Palagi kitang pupuntahan gagawin ko lang Baclaran yan

Gagawin ko lang malapit 'di iisipin ang agwat
Gagawin ko ang lahat para malaman mong ako'y tapat
Pagkat wala na rin akong mahihiling sa'yo
Sa kagandahan ng anyo s'ya ring ganda ng kalooban mo
At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan
Palagi kitang pupuntahan gagawin ko lang Baclaran
D'yan mo 'ko maasahan d'yan mo 'ko mahahangaan
D'yan mo mararanasan ang tunay na pagmamahalan
Na 'di mo malilimutan sa iyong buong buhay
At kahit pa sa kamatayan ay nakahanda 'kong tumulay
At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan
Palagi kitang pupuntahan gagawin ko lang Baclaran yan

Curiosidades sobre la música Gagawin Ko Lang Baclaran del Siakol

¿Cuándo fue lanzada la canción “Gagawin Ko Lang Baclaran” por Siakol?
La canción Gagawin Ko Lang Baclaran fue lanzada en 2000, en el álbum “Sa Pag-ikot Ng Mundo”.
¿Quién compuso la canción “Gagawin Ko Lang Baclaran” de Siakol?
La canción “Gagawin Ko Lang Baclaran” de Siakol fue compuesta por Noel Palomo.

Músicas más populares de Siakol

Otros artistas de