Pag Siya

Pag siya na siguro almusal iba na
Siguro ang kape hindi Tang-in-a-can
Diyos ko siguro'y imbis na dibdiban ang dibdib ko na lang ay hihigaan

Siya na ba ang hinihintay ko
Sagot sa mga tanong
Na aking paulit-ulit ibinubulong at
Hindi na ba ako iiyak sa kanya
Ako pang iiyakan
Ganon siguro 'pag siya

Ay iba bakit ba hindi siya nakita
(Ha) Noon ko siya kaya ang ibigin ngayon tama ba 'yon o mali ba
Pinag-iisipan kung mabuti lahat ayoko nang padalos-dalos
Mahirap na

Bastang alam ko lang ay masaya ko pag siya
Yung tipong bahala na makasama lang siya
Kahit di sigurado at hindi matantsa
Ang nararamdaman ko para sa kanya
Baka sakali lang naman
Na ang paghahanap ko ay tapos na pag siya

Pag siguro nagkataon
Siya pa'ng mahihirapang babaan ako sa phone
Five minutes already missing me ako na yatang papalit kay Rapunzel sa Disney
(Oy aray Shehyee yung buhok ko ano ba)
(Weh feeling) hindi ko kailangan ng ligaw-ligaw para saan pa yun
Kung sa umpisa lang magaling alam mo yung ganon

Pinagiisipan kung mabuti lahat
Ayoko nang padalos-dalos
Mahirap na

Bastang alam ko lang ay masaya ko pag siya
Yung tipong bahala na makasama lang siya
Kahit di sigurado at hindi matantsa
Ang nararamdaman ko para sa kanya
Baka sakali lang naman
Na ang paghahanap ko ay tapos na pag siya

Straight naman siya
Pero kulot lang
Pandak pero mas matangkad siya ng konti kay ano
Malaki butas ng ilong
Pero at least nakakahinga siya
Cute niya mukha siyang pet tarsier buti na lang mahilig ako sa unggoy

Oy narinig ko yun ah (ha pano mo narinig yun)
Okay lang yung una pero OA dun sa
Parteng tarsier sus ikaw nga nung nag-zumba parang may rayuma (ha ha ha)
Teka balik tayo napalayo na (funny)
Pag siya siguro wala nang duda (di kaya)
Kasi sa dinamidami ng pinag-agawan namin ay ayos lang kahit sa akin ay walang napupunta ha (tse)
Ano ano nangyari bakit ko naiisip yun buti di nasabi
Ano man ang direksyon ang importante pag siya ang kasama masaya ang biyahe what (duh)

Bastang alam ko lang ay masaya ko pag siya
Yung tipong bahala na makasama lang siya
Kahit di sigurado at hindi matantsa
Ang nararamdaman ko para sa kanya
Baka sakali lang naman
Na ang paghahanap ko ay tapos na pag siya

Pag siya pag siya pag siya (pag siya)
Pag siya pag siya pag siya (kasama lang siya)
Pag siya pag siya pag siya (pag siya)
Pag siya pag siya pag siya(pag siya)
Pag siya pag siya pag siya (pag siya)
Pag siya pag siya pag siya (ohh)
Pag siya pag siya pag siya (ohh)
Pag siya pag siya pag siya

(Siya na kaya)

Músicas más populares de Sheng Belmonte

Otros artistas de Contemporary R&B