Palagi
Oh 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan ano ang pagkukulang
Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang oh
Umasa kahit na malayo pa 'ko sa pamantayan mo
Ganito pakiramdam no'ng dumagdag ka pa sa pangarap ko
Matagal nating iningatan 'to habang patago pa kitang maranasan
No'ng ikaw na kahinaan ko 'tsaka mo 'ko natutunan iwasan
Andiyan agad sa isang tawag mo kaya parang madali sa 'yo bitawan
Mga alaala natin na wala lang sa 'yo palibhasa 'di mo kailangan na
'Yoko namang makipaglaban para sa kadahilanang nandiyan siya
Puwede pa din naman na 'di niya malaman ah basta 'wag mo 'kong iwanan puwede ba
Isip at ang puso ba't 'di pa palayain
Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin
Paano saan at kailan ka yayakapin
Sa pag-ikot ng mundo ko sa 'yo whoa palagi
Oh 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan ano ang pagkukulang
Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang oh
Siguro nga 'di ako 'yung tipo na kaya gawin lahat para sa pamantayan mo
Pero sa kabila ng mga binitawan mong pangako
'Di ito 'yung inasahan ko tawanan bago mo 'ko pangilagan
Oh isipin mo sana ano tayo dati sa kama niyo
Kahit damo at pamasahe lang nasa pitaka ko
Nakakarating tayong alapaap kada tawa mo
Pula mata kahit 'di man nagkaiyakan uh
Kahit wala na 'kong panahon para umasa pa
Balewala kung mas madalas naaalala ka
Sa mga sabi-sabing nakarating sa 'yo
Sana kalimutan mo na parang ginawa mo sa 'ting dalawa
Oo madami diyan pero tumatak ka sa 'kin
No'ng pati sa kaluluwa mo 'ko nahumaling
No'n nasabing dapat kita palayain
Ipinangako mo na isinulat mo pa sa hangin
Isip at ang puso ba't 'di pa palayain
Nakagapos sa kahapon ang init ng damdamin
Paano saan at kailan ka yayakapin
Sa pag-ikot ng mundo ko sa 'yo whoa palagi
Oh 'di ba't kahapon lang ikaw ay nagpaalam
Hindi ko na alam ang aking gagawin
Bakit nasasaktan ano ang pagkukulang
Dapat bang pagbayaran ang 'di naman inutang oh