Dalangin - Kanta 'To

Gusto ko sanang mahawakan ka
At minsan pa ay mayakap ka
Gusto ko sanang makausap ka
At minsan pa'y mahagkan kita
Madilim man ang iyong paligid
Ang liwanag ko ang siyang sisisid
Ang tamis ng aking mga halik
Ang siyang magsasabing sayo'y nananabik

Sa ilalim ng buwan tayo ay magsasama
Sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya

O aking giliw wag nang malumbay
Ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay
Sa iyong paggising at walang aakay
Nandito lang ako naghihintay
Pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin
Mga palad mo ang siyang aking dalangin

Sana wag mo akong ibaon sa limot
Damdamin kong ito'y panahon pa ng batibot
Lahat ng bagay ay aking gagawin
Upang ang puso mo ay aking maangkin

Habangbuhay ako sa iyo'y magpaparaya
Pakiusap ko sa'yo wag ka nang mag-alala

O aking giliw wag nang malumbay
Ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay
Sa iyong paggising at walang aakay
Nandito lang ako naghihintay
Pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin
Mga palad mo ang siyang aking dalangin

Hindi ka mawala sa aking isipan
Matagal na 'kong sabik sa'yo
Sana naman ako ay pagbigyan
O wag ka nang lilisan

Gusto ko sanang mahawakan ka
At minsan pa ay mayakap ka
Gusto ko sanang makausap ka
At minsan pa'y mahagkan kita

Sa ilalim ng buwan tayo ay magsasama
Sa ilalim ng araw tayo ay magsasaya

O aking giliw wag nang malumbay
Ang pag-ibig ko sa'yo ay may saysay
Sa iyong paggising at walang aakay
Nandito lang ako naghihintay
Pagka't ang nais ko'y ika'y maging akin
Mga palad mo ang siyang aking dalangin ang aking dalangin

Músicas más populares de Sham Rock

Otros artistas de