Sa Diyos Lamang

Gary Perez

Magmula ng makilala kita sinta
Puso ko'y nagbago
Isip ko ay naiba

Dati-rati pag-ibig ay laruan lamang
Ngayon ay hindi na
Kasing-tigas ng bato ang puso ko

Bakit kaya o bakit kaya
Nangyayari ito
Kung sino pa ang minamahal mo
Siya pa ang hindi
Hindi tapat sa 'yo

Dapat lang kaya
Na ikaw ay masisi ko mahal
Sinabi ko noon sa 'yo
Na wag mo naman akong paglaruan
Kasalanan ba
Kung kita'y mahalin hirang
Ang sabi nga sa akin
Baka lamang ito'y pagsisihan sa hulihan

O pag-ibig
Bakit kay lupit mo sa tao
Ngayon ay nakita ko
Ang tunay na damdamin ng puso ko
Naririto

Sa Diyos lamang sa Diyos lamang
Pag-ibig na walang hanggan
Sa Diyos lamang sa Diyos lamang
Hindi na masasaktan

Músicas más populares de Sampaguita

Otros artistas de