Wala Kang Alam

Wala kang alam sa lahat ng sakit
Na dinanas ko
Nang iwan mo akong mag-isa
Wala kang alam sa lahat ng hapding
Naramdaman
Nang iwan mo ako para sa kanya

Matapos kong ibigay ang lahat
Iniwan mo akong nagdurusa
Basta't nawala lang ang 'yong pagmamahal
At ang hiling sa'kin ay 'yong kalayaan

Wala kang alam sa lahat ng gabing
Iniiyakan
Ang kapalaran kong sawi

Matapos kong ibigay ang lahat
Iniwan mo akong nagdurusa
Basta't nawala lang ang 'yong pagmamahal
At ang hiling sa'kin ay 'yong kalayaan

Paano naman ako
Masaya ka sa piling niya
Paano naman ako

Matapos kong ibigay ang lahat
Iniwan mo akong nagdurusa
Basta't nawala lang ang 'yong pagmamahal
At ang hiling sa'kin ay 'yong kalayaan

Wala kang alam
Wala kang alam
Wala kang alam

Músicas más populares de Sam Mangubat

Otros artistas de Asian pop