Pagka't Nariyan Ka

Oh weyo woh oh weyo woh
Di lumilipas ang araw na hindi mo naipaparamdam
Pag-ibig mong umaapaw sa bawat galaw mo ay alam
Kaya't ako ngayo'y hayaan na isigaw sa buong mundo
Na dahil sayo hanggang ngayon ako'y nakatayo

Di alintana ang unos
Di malulunod sa agos
Anong lakas man ng hangin ng bagyong paparating
Hinding-hindi masisindak kahit pumuti man ang uwak
Mananatili akong matatag

Pagka't nariyan ka pagka't nariyan ka woh
Pagkat nariyan ka pagkat nariyan ka woh

Pagmamahal na pinangarap na tunay at walang kapantay
Kapangyarihan na'y nahanap sa pusong iyo'y ibinigay
Kapag sa isip ko'y sumagi na ang pag-ibig na ito'y wagas
Kaligayahan na palagi'y na hindi magwawakas

Di alintana ang unos
Di malulunod sa agos
Anong lakas man ng hangin ng bagyong paparating
Hinding-hindi masisindak kahit pumuti man ang uwak
Mananatili akong matatag

Pagka't nariyan ka pagkat nariyan ka woh
Pagkat nariyan ka pagkat nariyan ka woh

Di alintana ang unos
Di malulunod sa agos
Anong lakas man ng hangin ng bagyong paparating
Hinding-hindi masisindak kahit pumuti man ang uwak
Mananatili akong matatag

Oh weyoh woh (oh)
Oh weyoh woh (oh he)
Pagka't nariyan ka oh (pagka't nariyan ka pagkat nariyan ka oh weyoh)
Bagyo man ang dumaan lagi kang nariyan
Kahit kailan kahit saan may masasandalan oh
Pagka't nariyan ka
Pagka't nariyan ka

Músicas más populares de Sam Mangubat

Otros artistas de Asian pop