Kay Dali [Sam Concepcion]
Oh kay dali kong isipin na tayo'y magkapiling
Oh kay dali kong sabihin itong aking munting lihim
Pagkat ikaw ay hangin na nagbalik sa akin
Hindi ako magsasawa na awitan ka giliw
Ako ay naniniwala sa ating pagsasama
Ika'y aking hahanapin hanggang langit habang buhay (hanggang langit habang buhay)
Pagkat ikaw ang ilaw na nagsilbing tanglaw (nagsilbing tanglaw)
Hindi ko malilimutan na ingatan ka giliw
Tayong dalawa ay may nakalaang tadhana
Mapalad ako na ika'y naging bahagi nang
Aking buhay
Oh kay dali kong isipin na tayo'y magkapiling
Oh kay dali kong sabihin itong aking munting lihim
Pagkat ikaw ay hangin na nagbalik sa akin
Oh kay dali mong ibigin basta wag mo lang pipigilin
Oh kay dali mong ibigin basta wag mo lang pipigilin