Intramuros
Romano Franco Huraño
Sa bawat sambit ng aking pangalan
Ako'y nakaramdam na tila ba'y namumukod tangi
Ayokong mag-isip
Halika't tumabi
Tayo'y maglalakbay
Magkahawak ang kamay
Saan?
Sa Intramuros
Tayo ay maglalakad
Lalanghapin natin ang hanging hatid
Sa’tin ng tadhana
Sa Intramuros
Sa Intramuros
Sa Intramuros
Sa Intramuros
Sa kalye, mayroong isang bulaklak
Ang halimuyak nito'y paboritong sangkap
Pag-ibig o muling paglisan (oh paglisan)
Ano nga bang tunay (ano nga ba?)
Tayo?
Sa Intramuros
Tayo ay maglalakad
Lalanghapin natin ang hanging hatid
Sa’tin ng tadhana
Uupo sa may Plaza de Roma
Kikibo nang may pagsinta
Kinabukasa'y 'di tiyak
Kaya tayo ay maglalakad