Cartadia Dies

Ang anyo mo'y pambihira
Kahit saan titignan ka
Huwag isiping ito ay bola
Kartada diyes kahit saan ka pa tignan

Ang iyong kilos lalo't sayawan
Sa body language wala sila
Kung gumiling lahat ay hanga
Kartada diyes kahit saan ka pa tignan

Oh magmula ulo hanggang paa
Wala silang ibubuga
Oh kung sa kutis super kinis ka
Kartada diyes kang talaga

Oh my baby anong pangalan mo
Patay ako sa kilos mo
Kung 'di pwede ay 'di na bale
Kartada diyes ka tititigan na lang kita

Magmula ulo hanggang paa
Wala silang ibubuga
Oh kung sa kutis super kinis ka
Kartada diyes kang talaga

Oh
Oh my baby ika'y ibang-iba
Kahit saan titignan ka
Wag isiping ito ay bola
Kartada diyes kang talaga baby
Kartada diyes kang talaga walang bola
Kartada diyes kang talaga kahit saan tignan
Kahit saan tignan

Músicas más populares de Rico J. Puno

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)