Liwanag Sa Dilim 2015 - From "Liwanag Sa Dilim 2015"

Ituring ang iyong sariling tagahawi ng ulap sa kalangitang kulimlim
Kampanang yayanig sa bawat nilalang magigising ang lupang kulang sa dilig
Ikaw ang magsasabing kaya mo to
Tulad ng isang tanglaw sa gitna ng bagyo

Isigaw mo sa hangin tumindig at magsilbing (liwanag liwanag sa dilim)
Harapin mong magiting ang bagong awitin (ikaw ang liwanag sa dilim)

At sa paghamon mo sa agos ng ating kasaysayan
Uukit ka ng bagong daan oh oh oh
Ikaw ang aawit ng kaya mo to
'Sang panalangin sa gitna ng gulo oh

Isigaw mo sa hangin tumindig at magsilbing (liwanag liwanag sa dilim)
Harapin mong magiting ang bagong awitin (ikaw ang liwanag oh)

Isigaw mo sa hangin tumindig at magsilbing (liwanag sa dilim)
Harapin mong magiting ang bagong awitin
Liwanag

Isigaw mo sa hangin tumindig at magsilbing (liwanag sa dilim)
Harapin mong magiting ang bagong awitin
Liwanag liwanag liwanag
Liwanag sa dilim

Músicas más populares de Rico Blanco

Otros artistas de Pop rock