Malay Mo

Arnie Mendaros

[Verse 1]
Kay hirap nang wala ka
Kay hirap nang wala sa piling mo, mahal ko
Ito nga ba'ng tadhana ng aking mundo?
Oh, giliw ko, naghihintay sa 'yo

[Pre-Chorus]
Alaala mo'y sadyang nagbabalik (Nagbabalik)
At sa 'yo'y lagi na lang nananabik (Nananabik)
Ba't 'di ka maalis sa isip ko?

[Chorus]
Malay mo, ako pa rin sa puso mo
Malay mo, hindi pa rin nagbabago
Buhay ko, inilaan pati ang aking pag-ibig (Aking pag-ibig)
Ba't 'di natin ibalik? Malay mo

[Verse 2]
Mahahagkan ka pa kaya?
Kailan kaya muling matitikman ang labi mo?
Mga init ng yakap, hinahanap-hanap ng puso ko
Kay hirap tanggapin

[Pre-Chorus]
Alaala mo'y sadyang nagbabalik (Nagbabalik)
Mga sandali't ligayang nakamit (Nakamit)
'Di pa nawawaglit sa isip ko

[Chorus]
Malay mo, ako pa rin sa puso mo
Malay mo, hindi pa rin nagbabago
Buhay ko, inilaan pati ang aking pag-ibig (Aking pag-ibig)
Ba't 'di natin ibalik? Malay mo, oh

[Instrumental Break]

[Chorus]
Oh, malay mo, ako pa rin sa puso mo
Malay mo, hindi pa rin nagbabago
Buhay ko, inilaan pati ang aking pag-ibig (Aking pag-ibig)
Ba't 'di natin ibalik?

[Post-Chorus]
Malay mo (Ako pa rin sa puso mo)
Malay mo

[Outro]
Malay mo

Curiosidades sobre la música Malay Mo del Renz Verano

¿Cuándo fue lanzada la canción “Malay Mo” por Renz Verano?
La canción Malay Mo fue lanzada en 2003, en el álbum “Everyday”.
¿Quién compuso la canción “Malay Mo” de Renz Verano?
La canción “Malay Mo” de Renz Verano fue compuesta por Arnie Mendaros.

Músicas más populares de Renz Verano

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)