Dadalhin

Tats Faustino

[Verse 1]
Ang pangarap ko'y nagmula sa'yo
Sa'yong ganda ang puso'y 'di makalimot
Tuwing kapiling ka, tanging nadarama
Ang pagsilip ng bituin sa 'yong mga mata
Ang saya nitong pag-ibig
Sana ay 'di na mag-iiba

[Verse 2]
Ang pangarap ko ang 'yong binubuhay
Ngayong nagmamahal ka sa akin ng tunay
At ang tinig mo'y parang musika
Nagpapaligaya sa munting nagwawala
Ang sarap nitong pag-ibig
Lalo pa nu'ng sinabi mo

[Chorus]
Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

[Verse 3]
Nang mawalay ka sa aking pagsinta
Bawat saglit gabing lamig ang himig ko
Hanap ang yakap mo, haplos ng iyong puso
Parang walang ligtas kundi ang lumuha
Ang hapdi din nitong pag-ibig
Umasa pa sa sinabi mo

[Chorus]
Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

[Bridge]
Umiiyak, umiiyak ang puso ko
Alaala pa ang sinabi mo
Noong nadarama pa ang pag-ibig mo, oh

[Chorus]
Dadalhin kita sa 'king palasyo, ooh
Dadalhin hanggang langit ay manibago
Ang lahat ng ito'y pinangako mo, ooh-whoa
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko

[Outro]
(Dadalhin kita sa 'king palasyo
Dadalhin hanggang langit ay manibago)
Ang lahat ng ito'y pinangako mo
Dadalhin lang pala ng hangin ang pangarap ko
Dadalhin, ooh-ooh

Curiosidades sobre la música Dadalhin del Regine Velasquez

¿En qué álbumes fue lanzada la canción “Dadalhin” por Regine Velasquez?
Regine Velasquez lanzó la canción en los álbumes “Reigne” en 2001, “Regine Silver Series” en 2006, “18 Greatest Hits: Regine Velasquez” en 2009 y “R3.0” en 2017.
¿Quién compuso la canción “Dadalhin” de Regine Velasquez?
La canción “Dadalhin” de Regine Velasquez fue compuesta por Tats Faustino.

Músicas más populares de Regine Velasquez

Otros artistas de Middle of the Road (MOR)