Huwag Kang Matakot
Huwag kang matakot 'di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi 'di kita pababayaan kailanman
At kung ikaw ay mahulog sa bangin
Ay sasaluhin kita
Huwag kang matakot na matulog magisa kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha kasama mo naman ako
Huwag kang matakot ah (huwag kang matakot)
Huwag kang matakot dahil ang buhay mo'y walang katapusan
Makapangyarihan ang pagibig na hawak mo sa 'yong kamay
Ikaw ang diyos at hari ng iyong mundo
Matakot sila sa 'yo
Huwag kang matakot na matulog magisa kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na umibig at lumuha kasama mo naman ako
Huwag kang matakot na magmukhang tanga kasama mo naman ako
Huwag kang matakot sa hindi mo pa makita kasama mo naman ako
Huwag kang matakot ah (huwag kang matakot)
Huwag kang matakot 'di mo ba alam nandito lang ako
Huwag kang matakot 'di mo ba alam nandito lang ako
Huwag kang matakot 'di mo ba alam nandito lang ako
Sa iyong tabi 'di mo ba alam nandito lang ako
Makapangyarihan 'di kita pababayaan kailanman
Nandito lang ako 'di kita pababayaan kailanman