Walang Hanggan

Gulong gulo ang puso
Saan ba 'to patungo
'Di ko alam
'Di ko alam

Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan
'Di ko alam
'Di ko alam

Nung ika'y nilalamig ako'y 'yong init
Kapag takot sa bukas ako'ng unang sisilip
Ginawa ko na'ng lahat
Hindi pa rin sapat
Kasi ika'y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana

Nanlalamig 'yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Titiisin ko na kahit paulit-ulit
Tapos pipilitin ko na 'di maulit
Ang masulyapan mo 'yung dulo
Akala ko walang hanggan pero may dulo

Bawat segundo sa 'king puso iuukit
Lahat ng alaala aking iguguhit
Para makalimutan mong may dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo

Kelan ka ba napaso
Nanlalamig na ang 'yong braso
Bakit ganyan
Bakit ganyan

Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit
Sa'n galing ang galit meron bang nang-a-akit
Kailangan ko lang malinawan
Bakit ganyan
Bakit ganyan

Handang panindigan lahat ng ating plano
Sigurado kahit 'di kabisado
gagawin ko ang lahat
Walang pake kung 'di sapat
Kasi ika'y mawawala na
Nawalan ng gana ang tadhana

Nanlalamig 'yung dating nagbabaga
Kung maibabalik lang sana
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit
Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit
Baka masulyapan mo 'yung dulo
Kasi sabi mo walang hanggan ba't merong dulo

Ibibigay ko ang lahat paulit ulit
Bawat pagkakataon ay aking isusulit
Basta matalikuran mo 'yung dulo
Ang sabi mo walang hanggan
Ba't nandito tayo sa dulo oh
Sa dulo oh

'Wag ka munang tumalikod
Bumalik ka muna dito
Padampi kahit anino
Ayokong mag-isa dito
Wala na bang bisa aking dalangin
Tinataboy na ba ng langit
Nakikiusap na lang sa hangin
Ngayon wala ka na sa akin oh

Bakit ba biglang meron tayong dulo
Pangako mo walang hanggan bakit nandiyan ka sa dulo
Pwede bang kalimutan mong may dulo
Handa 'ko sa walang hanggan
Pangako mo walang hanggan
Akala ko walang hanggan
Pero eto tayo sa dulo

Kung ika'y mawawala sa aking piling
Dinggin mo ang aking bilin
Lingon ka lang paminsan-minsan
Dito lang ako 'di ako lilisan
Sa ating dulo 'di ako lilisan

Músicas más populares de Quest

Otros artistas de Japanese music