Tibay

Isang daang milyong pusong dumadagundong
Hindi na mapipigilan pakinggan ang ugong
Sa dami ng pinagdaanan nandito pa rin lumalaban
Mga ngiti 'yan ang katibayan tibay ng bayan
Panibagong simula di na kailangan ng himala
Mala-kongkretong paninindigan
Diyos ang sandigan kapit kaibigan

Para sa karangalan pamilya't bayan
Buong pusong lalaban
Abutin ang ginto atin ang mundo
Para sa kadakilaan kalayaan
Walang atrasan sige lang laban
Ibahin mo ako Pilipino ako
Pilipino ako

Palaban hindi umuurong matatag kahit walang tulog
Pasan man ang buong mundo di paaawat hindi susuko
Sa dilim hindi natatakot sa lungkot di nagpababalot
Dama sa pamilya ang pag-asa hingang malalim tara

Sabayan mo ang dagundong
Pasigaw man o pabulong
Basta lahat tayo pasulong
Basta iisa lang ang tunog

Para sa karangalan pamilya't bayan
Buong pusong lalaban
Abutin ang ginto atin ang mundo
Para sa kadakilaan kalayaan
Walang atrasan sige lang laban
Ibahin mo ako Pilipino ako
Pilipino ako

I am the champion do things that can't be done
This is a revolution gonna prove my critics wrong
When I get my energy my nation cheering for me
You witness celebration bayanihan's what I see
Ready to win ready to soar
Ready to conquer ready for more
Now is the time for the whole world to hear us roar
Walang urungan lahat tulungan
Walang maiiwan tayo ka na diyan
Start fight lose learn
Win celebrate repeat

Para sa karangalan pamilya't bayan
Buong pusong lalaban
Abutin ang ginto atin ang mundo
Para sa kadakilaan kalayaan
Walang atrasan sige lang laban
Ibahin mo ako (ibahin mo ako)
Pilipino ako (Pilipino ako)

Para sa karangalan pamilya't bayan
Buong pusong lalaban
Abutin ang ginto atin ang mundo
Para sa kadakilaan kalayaan
Walang atrasan sige lang laban
Ibahin mo ako Pilipino ako
Pilipino ako

Músicas más populares de Quest

Otros artistas de Japanese music