Sige Lang

Eto na naman tayo bagong simula
Huminga ng malalim alisin ang kaba
Tapos na ang kahapon pwede nang itapon
Huwag lang ang mga aral dapat yan ay ibaon
Katulong mo sa panibagong hamon
May paparating na bagong alon
Pwede kang laminin o pwede mong sabayan
Yung aral ng kahapon pwede ka ngang gabayan
Kung ako sayo tumayo ka na dyan
Huwag ka nang magpahuli kami ay sundan
Patungo sa liwanag aabutin ang tala
Pagkatapos pakita sa mundo pusong nag babaga
Unang lahat ay mamulat sa aking susulat
Parinig sa lahat ang aking iuulat
Huwag ka nang mabahala ako ang bahala
Kasangga natin si bathala

Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo sama sama tayo
Hanggang sa dulo
Ano man ang pagsubok 'di susuko alam kong kaya mo
Sige lang sige sige lang sige
Walang imposible oh

Nagniningning ang pangarap ng 'yong pusong
Humihiling nakalimutan ang kahapon
Sana'y dinggin sigaw ng aking puso
Hindi susuko hindi susuko
Ilabas ang 'yong pangarap
Huwag mo yang itatago
Samahan mo ng sipag at tatag ng puso
Tumayo ka sa 'yong silya
Ikaw ngayon ang bida
Wala nang pipigil pa eto na eto na

Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo sama sama tayo
Hanggang sa dulo
Ano man ang pagsubok 'di susuko alam kong kaya mo
Sige lang sige sige lang sige
Walang imposible (walang imposible)
Walang imposible oh
Sige lang sige lang

Hanggang ako'y humihinga
Sugod lang laban pa
Pangarap abutin
Kumislap tulad ng mga bituin
Sige lang di ka nag-iisa
Sige lang sige pa

Walang imposible sige lang ng sige
Abot mo ang mundo
Malapit o malayo sama sama tayo
Hanggang sa dulo
Ano man ang pagsubok 'di susuko (alam kong kaya mo)
Sige lang sige sige lang sige (sige lang sige lang yeah)
Walang imposible sige lang ng sige (abot mo ang mundo)
Malapit o malayo sama sama tayo (hanggang sa dulo)
Ano man ang pagsubok 'di susuko (alam kong kaya mo)
Sige lang sige sige lang sige
Walang imposible (oh)

Músicas más populares de Quest

Otros artistas de Japanese music