Saludo

Ito ang alay ko ito ang istorya mo
Alamat na kailangan makilala ng buong mundo
Isang pagpupugay kailangan ipagdiwang
Pasasalamat at ika'y isinilang
Di pangkaraniwang para siyang superhero
Hinarap lahat ng pagsubok yung iba hindi biro
Meron siyang misyon kaya walang takot sumabak
Mga buhay na nakasalalay sa kanyang pangarap
Parang pelikula action adventure drama
May konting comedy love story na pang masa
Galing sa wala akala mo talo na tapos
Yun pala sya yung bida kaya lahat sila paos
Kasisigaw kahihiyaw selebrasyon
Buong mundo magtataka kakaibang okasyon
Itaas ang kamay sumigaw ng hoy (hoy)
Ito ang araw mo bayaning pinoy

Saludo (sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay)
Saludo (mga kampeon mga dakilang hindi sumuko di nagpaalila)
Saludo (sa inspirasyon karagdagang lakas)
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo (kami sa inyo ay saludo saludo)

Walang balak sumuko walang planong gumuho
Tagumpay lang walang iba binigay nya buong puso
Hinarap lahat ng tuso pati mga abuso
Nanatiling tapat sa pangarap hanggang naging uso
Ang buhay positibo agresibo mismo
Kaya pinarangalan syang bayaning Pilipino
Taas noo kahit pango di na bigo di nalito di huminto
Inabot nya ang ginto
Ngayon tahimik na lahat ng kritiko
Bukang bibig na rin nila ang mga hirit mo
Hanggan nag-trending ang daming likes di na makalimutan
Front page headlines hanggang sa kanto laman ng kwentuhan
Pa-gasa'y pinagsaluhan pero di naubusan
Binigay ng lubusan hanggang sa huling hantungan
Buhay na buhay walang humpay
Tagumpay

Saludo (sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay)
Saludo (mga kampeon mga dakilang hindi sumuko di nagpaalila)
Saludo (sa inspirasyon karagdagang lakas)
Salamat dumaan kayo sa tamang landas
Saludo (kami sa inyo ay saludo saludo)

Sabi daw walang pag-asa pero tinapos
Sabi daw imposible pero di pa rin natakot
Sabi nila mahirap pero nag pursige
Kaya ngayon lahat sila sige lang sige
Nung lahat umurong siya sumugod
Nung lahat lumubog siya 'di nalunod
Natutong maglakad sa tubig pananampalataya
Diyos ang kanyang agimat kaya walang hindi kaya

Saludo (paglaki ko gusto ko maging katulad mo)
Saludo (maipagmamalaki sa buong mundo)
Saludo (ikaw ang dahilan kung ba't hindi ako susuko)
Saludo (taos pusong pasasalamat isa kang alamat)
Saludo (sa mga bida na tunay na nagpakita ng husay dito sa liga ng buhay)
Saludo (mga kampeon mga dakilang hindi sumuko di nagpaalila)
Saludo (sa inspirasyon karagdagang lakas)
Salamat dumaan kayo sa tamang landas (saluido)
Kami sa inyo ay saludo saludo)

Músicas más populares de Quest

Otros artistas de Japanese music