Kalawakan [(feat. Aicelle Santos)]

Jose

Minsan lang mangyayari sa buhay
Mahanap mo yung pag-ibig na tunay
Gagawin ang lahat
Magiging tapat
Pag-iigihan mo para walang katapat
Pipilitin walang kulang isandaang porsyento
Nagawa mo na ang lahat hindi pa rin kuntento
Noon pa-easy-easy parang laro lang
Ngayon ayaw pagtalo ayaw na magpagulang

Unang sulyap ng puso sapul ka
Naging maamo yung puso nating barumbado
Nabighani nawindang
Nagmukhang baguhan ngiting abot hanggang likuran
Nagbago na ang lahat dumating na ang iyong katapat
Ito ang higit pa sa sapat pag-ibig na alamat

Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Magpakailanpaman ikaw at ako itaga sa bato
Pag-ibig na tunay ipaalam sa mundo
Hanggat tumitibok ang puso kahit malagpasan ang dulo
Patuloy kong ipaglalaban pag-ibig na kasinlawak ng kalawakan
Woah
Patuloy kong ipaglalaban pag-ibig na kasinlawak ng kalawakan
Woah
Patuloy kong ipaglalaban pag-ibig na kasinlawak ng kalawakan

Kakayanin ko walang hindi puwedeng na sagot ng dalangin ko
Na ikaw ay mapa-ibig 'di ba akalain mo kaya gawin nating libre
Lahat ng hangarin mo akong bahala sa iyo
Saan mo gustong pumunta
Anong gusto mo makita
Lahat gagawin para lang mapakita na wala nang mas hihigat pa
Saan ka pa titingin ha
Lalampasan aabutin ng iyong pinata
Aking dadaigin pag-ibig na kay ganda lahat mapapangiti
Pagkatapos sa langit mapapatingin

Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Magpakailanpaman ikaw at ako itaga sa bato
Pag-ibig na tunay ipaalam sa mundo
Hanggat tumitibok ang puso kahit malagpasan ang dulo
Patuloy kong ipaglalaban pag-ibig na kasinlawak ng kalawakan

Dama ko sa iyo ang langit
Ikaw ang dahilan kung bakit
Patuloy ang pag-awit ng puso kong ito
Wala nang ibang hahanapin
Ngayon ikaw na ay akin
At ako naman ay habang buhay sa iyo

Kapag nahanap mo yan 'wag mong pakakawalan
Walang ibang ganyan ipaglaban mo iyan
Kapag nahanap mo yan 'wag mong pakakawalan
Hawakan nang mabuti habang buhay na yan
Kapag nahanap mo yan 'wag mong pakakawalan
Walang ibang ganyan ipaglaban mo iyan
Kapag nahanap mo yan 'wag mong pakakawalan
Hawakan nang mabuti habang buhay na yan

Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Magpakailanpaman ikaw at ako itaga sa bato
Pag-ibig na tunay ipaalam sa mundo
Hanggat tumitibok ang puso kahit malagpasan ang dulo
Patuloy kong ipaglalaban pag-ibig na kasinlawak ng kalawakan

Hanggang sa dulo ng walang hanggan
Magpakailanpaman ikaw at ako itaga sa bato
Pag-ibig na tunay ipaalam sa mundo
Hangga't tumitibok ang puso kahit malagpasan ang dulo
Patuloy kong ipaglalaban pag-ibig na kasinlawak ng kalawakan

Kapag nahanap mo yan 'wag mong pakakawalan
Walang ibang ganyan ipaglaban mo iyan
Kapag nahanap mo yan 'wag mong pakakawalan
Hawakan nang mabuti habang buhay na yan
Kapag nahanap mo yan 'wag mong pakakawalan
Walang ibang ganyan ipaglaban mo iyan
Kapag nahanap mo yan 'wag mong pakakawalan
Pag-ibig na kasinlawak ng kalawakan

Curiosidades sobre la música Kalawakan [(feat. Aicelle Santos)] del Quest

¿Quién compuso la canción “Kalawakan [(feat. Aicelle Santos)]” de Quest?
La canción “Kalawakan [(feat. Aicelle Santos)]” de Quest fue compuesta por Jose.

Músicas más populares de Quest

Otros artistas de Japanese music