Huling Gabi

Wooh (duru)
Wooh
Wooh
Wooh

Kung ito na nga
Ang ating huling gabi
Mga natitirang sandali
Di na ikukubli

Lahat lahat sayo'y ibibigay
Huling beses magsasabay
Sa himig na pag-ibig ang taglay
Bago mawalan ng saysay

Hawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit
Pwede ka pang lumapit
Kalimutan natin
Bukas na sasapit

Dito na lang ako
Dito na lang tayo
Walang manggugulo
Na parang atin ang mundo
Sa sandaling tila habambuhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda langit ang may akda

Ayokong kumawala sa'yo
Huling sayaw na natin 'to
Huling halik sa'yong noo
Huling pagdidikit ng puso

Kung ito na nga
Ang ating huling gabi
Bawat sigundo nagmamadali
Mauulit pa bang muli

Kaya lahat-lahat ibibigay
Baka sakaling matangay
Ng haplos tila tumatanglay
Meron pa bang saysay

Kung hahawakan ang aking kamay
Higpitan ang kapit
Pwede ka pang lumapit
Kalimutan natin
Bukas na sasapit

Dito na lang ako
Dito na lang tayo
Walang manggugulo
Na parang atin ang mundo

Sa sandaling tila habambuhay
Bawat saglit magiging patunay
Ito ay itinakda langit ang may akda

Ayokong kumawala sa'yo
Huling sayaw na natin 'to
Huling halik sa'yong noo
Huling pagdidikit ng puso

Wooh (sa sandaling tila habambuhay)
Wooh (bawat saglit magiging patunay)
Wooh (ito ay itinakda langit ang may akda)
Wooh (ayokong kumawala sa'yo)

Huling halik ipadama ang pagibig na tunay
Huling saglit gawin natin habangbuhay

Músicas más populares de Quest

Otros artistas de Japanese music