D.K.R.

Ito'y para sa naghihintay
Ito'y para sa naglalakbay
Ito'y para sa naliligaw
Ito'y para sa naiinip
Ang liham na ito ay para sa 'yo
Buksan mo

Sa bawat araw oras oras
Hanapin ang 'yong pagkakataon
Sa bawat linya ng bawat kwento
Sumasalamin ang bawat panahon
Sugat at duda daloy ng luha
Sundan ang puso mong nagtatanong
Nasa kasalukuyan ang kasagutan
Bumangon ka sa pagkakabaon

Huwag matakot lakbayin
Ang liwanag at dilim
Sa panig mo mga bituin
Kaya mararating mo rin
Pangarap tagumpay
Pag-ibig ang gabay
Kaya alam kong
Darating darating ka rin

Darating darating ka rin (oh darating ka rin)
Darating darating darating ka rin

Ilang sandali lang mahahanap ang hantungan
Mapupuspos kang husto mapupuno ng kuwento
Mag-aalay ng pag-ibig maaalayan ng pag-ibig
Matutulog nang mahimbing gigising nang maligaya
Mapagod ma'y masaya nandito ang puso
Nahanap ang layunin nakilala ang galing

Yakapin mo't ibigin ang bawat sandali
Pagkaligaw mo'y ginto humulma ng alahas
Tawagin mong bukas ipunin ang lakas
Matagal kang naghintay matagal kang naglaboy
Naghanda s'ya sa'yo maghanda sa kanya
Iwaksi ang pangamba darating ka na

Huwag matakot lakbayin
Ang liwanag at dilim
Sa panig mo mga bituin
Kaya mararating mo rin
Pangarap tagumpay
Pag-ibig ang gabay
Kaya alam kong
Darating darating ka rin oh
Darating ka rin

Nagpasa man ang mga tuhod mo sa panalangin (darating darating darating ka rin)
Napaos man ang tinig mo sa pagbulong sa hangin (darating darating darating ka rin)
Namungay man ang mga mata (darating darating darating ka rin)

Huwag matakot lakbayin
Liwanag at dilim
Sa panig mo mga bituin
Kaya mararating mo rin
Pangarap tagumpay
Pag ibig ang gabay
Kaya alam kong
Darating darating ka rin

Darating ka rin
Darating ka rin oh
Darating ka rin

Darating darating darating ka rin
Darating darating darating ka rin
Darating darating darating ka rin
Darating darating darating ka rin (oh)
Darating darating darating ka rin
Darating darating darating ka rin (oh darating ka rin)
Darating darating darating ka rin (oh darating ka rin)
Darating darating darating ka rin (oh)

Músicas más populares de Quest

Otros artistas de Japanese music