Patak Ng Ulan

Pio Balbuena

Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Ikaw at ako
Mabasa man tayo ay walang makakaalam

Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Kung walang masilungan
Ay laging bukas ang aking pintuan

Malakas ang hampas ng hangin
Teka lang parang uulan na naman
Ito yung panahon na naaalala ko
Lahat ng mga nangyari kahit na kagabi lang
Nakita kita nasa gilid lang
Maingay pero ikaw ay tahimik lang
Madilim ang paligid at kumikinang ang ilaw
Habang tayong dalawa ay nagkatitigan

Gusto kitang makasama
Pero hindi yung isang gabi lang
Makatabi ka sa kama
Pero hindi isang kalabit lang
Ayoko ng madalian
Sandali lang dahan-dahan kailangan ingatan
Baka mahulog at biglang mabasag
Sawa na‘ko sa pagiging laruan

Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Ikaw at ako
Mabasa man tayo ay walang makakaalam

Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Kung walang masilungan
Ay laging bukas ang aking pintuan

Amoy alak ka
Nakainom ka no
Mukhang nakarami ka ng bote at baso
Sige humiga ka na muna diyan
Ako nang bahala
Ako na ang mag-aasikaso
Sa’kin walang kaso
Kaso nga lang saan ba lahat ito papunta
Sa laro na ‘to na habulan teka lang
P’ano naman kapag ako na ang nauna

Buti kung hahabulin mo‘ko
At hindi ka magsasawa
Kaibigan lang ang tingin mo sa akin
Pero binasa mo’ko na para mong asawa
Kung ganito kasarap ayos lang
Hayaang pumatak at tumulo ang ulan
Sana naman matapos ‘to
Nang walang umuuwing luhaan

Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Ikaw at ako
Mabasa man tayo ay walang makakaalam

Sa ilalim ng kumot
Habang malakas ang patak ng ulan
Kung walang masilungan
Ay laging bukas ang aking pintuan

Músicas más populares de Pio Balbuena

Otros artistas de Asian hip hop