Diwang Paskuhan

Martin John Arellano, National Commission for Culture and the Arts, Sagisag Kultura Filipinas, Philippine Cultural Educati

Pasko na naman sa'tin
Kay lamig, simoy ng hangin
Puno ng ilaw, kahit sa'n tumingin
Kasabay ng mga tugtugin

Ang parol ay puno ng kulay
Wari'y may sariling buhay
Habang ang bawat isa ay nagsasaya
Pagka't si Kristo'y sumilang na!

‘Yan ang diwang paskuhan
Dito sa Pilipinas!
Pagmamahalan, pagbibigayan
Laganap sa ating bayan!
Mula noon hanggang ngayon
Tradisyong Pilipino'y di kailanman maglalaho.

Sa Pasko'y di lamang ang regalo
Buksan din ating mga puso
Ang ilang taong paga-alitan
Ngayong Pasko'y magpatawaran

‘Yan ang diwang paskuhan
Dito sa Pilipinas!
Pagmamahalan, pagbibigayan
Laganap sa ating bayan!
Mula noon hanggang ngayon
Tradisyong Pilipino'y di kailanman maglalaho.

‘Yan ang diwang paskuhan
Dito sa Pilipinas!
Pagmamahalan, pagbibigayan
Laganap sa ating bayan!
Mula noon hanggang ngayon
Tradisyong Pilipino'y di kailanman maglalaho.

Hiling ko sa Pasko’y magmahalan tayo.

Músicas más populares de Philippine Madrigal Singers

Otros artistas de Religious