Apat na Buwang Kapaskuhan

Hamili Campos-de Castro, National Commission for Culture and the Arts, Sagisag Kultura Filipinas, Philippine Cultural Educati

Tuwing sasapit ang Setyembre, ating nababatid
ang buong pananabik sa Paskong papalapit
Lumang parol naglalabasan, gawa sa plastik at kawayan
Sa pagsabit ng palamuti, lahat ay nag-uunahan

Sa pagsapit ng Oktubre, ating naririnig
mga awiting pampasko sa radyo at telebisyon
Mapapasayaw, mapapaawit sa indayog at sa himig
Mga titik ng awitin ay kay sarap damhin

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!

Tuwing sasapit ang Nobyembre, lahat nag-aabang
Panregalong may diskwento, sa'n matatagpuan?
Sa napaagang Krismas bonus, isa ka ba sa mabibigyan
at ang iyong mga minamahal ay mabibilhan?

Sa pagsapit ng Disyembre, lahat ay abala
Nagtatago pa ang araw, handa nang magsimba
Kaliwa't kanang Krismas party, 'di na alam sa'n pupunta
Ang reunion ng pamilya, tila naging pista

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!

Sa mismong araw ng Pasko, pamilya'y sama-sama;
pagsaluhan na ang Noche Buena
Araw na pinaghandaan ay naging makabuluhan

Apat na buwang paghihintay ay 'di natin alintana
kung bawat araw ay may galak at pag-asa
Apat na buwang paghandaan, apat na buwang ipagdiwang
ang pagkakasama't pagbibigayan sa apat na buwang Kapaskuhan!

Músicas más populares de Philippine Madrigal Singers

Otros artistas de Religious