Yakapin Natin Ang Gabi

Kapag nag-iisa at napapaisip ka huwag na huwag mong hahayaan
Malungkot sa mga pinagdaanan
Manaog at silipin ang buwan at bituin sumabay sa huni ng mga pipit
At ako'y iyong hintayin

Yakapin natin ang gabi ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw may panibagong yugto na sayo'y nag-aabang
Kaya't huwag manghinayang pagkat may bagong-araw (manghinayang bagong-araw)

Kapag nangangamba at hindi mapakali sa mga bukas na paparating tiyak na maiibsan natin
Umikot na ang plaka tangnan ang aking bisig sabay sa ritmo ng ating dibdib halina't sayawin

Yakapin natin ang gabi ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw may panibagong yugto na sayo'y nag-aabang
Kaya't huwag manghinayang pagkat may bagong-araw (manghinayang bagong-araw)
Kaya't huwag manghinayang pagkat may bagong-araw (manghinayang)

Mapanlinlang ang kalungkutan lumaban ka mapagbalatkayo ang panghihinayang
Tanggapin mo lang lahat ang hindi natin mababago pagka't ang buhay ay sadyang ganyan

Yakapin natin ang gabi ipihit ang mga binti
Kalimutan lahat ang mga pighati damhin ang bawat sandali
Sisikat din ang haring araw may panibagong yugto na sayo'y nag-aabang
Kaya't huwag manghinayang pagkat may bagong-araw (manghinayang bagong-araw)
Kaya't huwag manghinayang pagkat may bagong-araw (manghinayang bagong-araw)

Músicas más populares de Orange & Lemons

Otros artistas de Pop rock