Bayaning Tunay

Bawat araw ay may digmaan
'Di mo man lang nakikita ang kalaban
Balot na balot sa panablang saplot
Halos walang pahinga

Kagipita'y hindi nila iniinda
'Di man lang makapiling ang pamilya
Ang maglingkod ang kanilang isinumpa
Kahit buhay pa nila ang nakataya

Kailangan na sila ay tulungan
Hindi natin sila dapat kalimutan
Sino pa ba kundi tayo-tayo rin
Ang kikilos para sa bayan natin

Saludo saludo
Sa inyong kabayanihan
Salamat salamat
Sa inyong pagmamalasakit
Mahal namin kayo nang taos-puso
Bayaning tunay kayo

Saludo saludo
Sa inyong kabayanihan
Salamat salamat
Sa inyong pagmamalasakit
Mahal namin kayo nang taos-puso
Bayaning tunay kayo

Kay rami ng mga nasawi
Sa puso natin sila'y mananatili
Hindi sa ganito matatapos ito
Magsama-sama na tayo whoa

Saludo saludo (saludo saludo)
Sa inyong kabayanihan
Salamat salamat (salamat)
Sa inyong pagmamalasakit
Mahal namin kayo nang taos-puso (mahal namin kayo)
Bayaning tunay kayo

Saludo saludo
Sa inyong kabayanihan
Salamat salamat
Sa inyong pagmamalasakit
Mahal namin kayo nang taos-puso
Bayaning tunay kayo

Bayaning tunay kayo (bayani kayo)

Músicas más populares de Ogie Alcasid

Otros artistas de Romantic