Umiibig

Kahit saan pa man ibaling ang aking paningin
Larawan mo ang nakikita ko pa rin
Di maitago ang damdamin
Di kayang mag-sinungaling ang puso kong ito

Sa bawat araw at gabi
Di maalis sa aking isip at kahit sa panaginip
Larawan mo ay sumisilip
Ako'y umiibig umiibig

Ikaw ma'y bituin at langit sa aking abang daigdig
Nagbabakasakaling mapansin mo
Kahibangan man kung tawagin
Mundo ko'y halos tumigil sa kaiisip sayo

Ang tanging dinadalangin sana'y nadarama mo rin
Ang aking tapat na hangarin sana ika'y makapiling
Umiibig umiibig

Ang tanging dinadalangin sana ay nadarama mo rin
Ang aking tapat na hangarin ikaw sana'y makapiling
At sa bawat araw at gabi (at sa bawat araw at gabi)
Ikaw ang laging iniisip Ikaw ang tanging hiling
Dinadalangin

Ako'y umiibig ako'y umiibig
Umiibig umiibig

Músicas más populares de Noel Cabangon

Otros artistas de Asiatic music