Tag-Ulan

Dumating ang tag ulan at nadama
Ang pagbigkas ng taginit sa lupang tigang
Namayapa ang damdamin kong uhaw
Tuyong larawan nagkaron ng kulay
Kay tagal ng inasam ang iyong pagdating
Ngayong ikaw ay narito ligaya ko'y nalubos
Oh

Naglaro sa isipan ang kawalan
Sumagi ang alaala ng nagdaang panahon
Nagliliparang ibon pawang masisigla
Sa unang hudyat ng pagdating nagsilisan
Tungo sa panibagong kahihinatnan
Kung saan naroroon ang kalayaang mithi
Oh

Bawat pagpatak ng ulan makahulugan
Binibigyang laya ang damdaming nagpupuyos
Pinapatag ang nalilitong isipan
Bunga ay banayad na umaga
Kay sarap damhin ang dampi ng hamog
May hatid na liwanag sa gitna ng daan

Madilim umalis man o dumating ako'y naririto pa rin
May buhay
Umalis man o dumating
Ako'y naririto pa rin may buhay
Umalis man o dumating
Tayo'y naririto pa rin may buhay

Curiosidades sobre la música Tag-Ulan del Noel Cabangon

¿Cuándo fue lanzada la canción “Tag-Ulan” por Noel Cabangon?
La canción Tag-Ulan fue lanzada en 2011, en el álbum “Panaginip Christmas (Special Edition)”.

Músicas más populares de Noel Cabangon

Otros artistas de Asiatic music