Huwag Mangamba
Kahit di malinaw yong patutunguhan
Kahit di matanaw ang kinabukasan
Wag mangamba lagi kitang pangungunahan
Magtiwala ako'y sundan
Lahat ng takot mo'y aking naranasan
Lahat ng hirap mo'y aking naraanan
Kailan ako di naasahan
Kailan kita pinabayaan magtiwala ako'y sundan
Wag mangamba wag mabalisa
Wag mabahala sa ligalig hindi kita madadakma
Manalig ka magtiwala at mapayapa
Pagibig kong kalasag mo'y sapat na
Hmm
Kahit di malinaw aking kalooban
O makitid ang tinatahak mong daan
Asahan mong kapayapaa'y matatamo sa hantungan
Magtiwala ako'y sundan
Wag mangamba wag mabalisa
Wag mabahala sa ligalig hindi kita madadakma
Manalig ka magtiwala at mapayapa
Pagibig kong kalasag mo'y sapat na
Pagibig kong kalasag mo'y sapat na