Ehemplo

Paano mong nagagawa kapatid mo'y dinadaya
Sayo kami nagtiwala ngunit ano ang napala
Paano kang nabubuhay nangungupit nagnanakaw
Di ka ganyan noong araw iba ka na kung gumalaw

Sana naman kayanin mo panindigan ang prinsipyo
Mahirap nga ang magbago ngunit ikaw ang ehemplo
Sana naman kayanin mo panindigan ang prinsipyo
Mahirap nga ang magbago ngunit ikaw ang ehemplo

May kilala akong drayber nagsauli ng atache
May kilala akong fixer nagsisi na't ngayo'y titser
May kilala akong mayor may palabra de honor
At may isa akong auditor walang lusot walang pabor

Sana naman gayahin niyo panindigan ang prinsipyo
Mahirap nga ang magbago ngunit tayo ang ehemplo
Sana naman gayahin niyo panindigan ang prinsipyo
Mahirap nga ang magbago ngunit tayo ang ehemplo

Sana naman kayanin mo (sana naman)
Panindigan ang prinsipyo (oh panindigan)
Mahirap nga ang magbago ngunit ikaw ang ehemplo
Sana naman gayahin niyo (sana naman)
Panindigan ang prinsipyo (ang prinsipyo)
Mahirap nga ang magbago (magbabago)
Ngunit tayo ang ehemplo (ang ehemplo)

Tulungan niyo 'kong magbago maging tunay na ehemplo

Músicas más populares de Noel Cabangon

Otros artistas de Asiatic music