Ang Mabuting Pastol
Ang mamatay sa sarili ay mabubuhay sa Dios
Sya'y larawan ni Kristo ang ating mabuting pastol
At kanyang iniaalay ang sarili nyang buhay
Sa lugod at kabutihan ng minamahal nyang kapwa
Sa paglapit ng panganib tumatakas ang upahan
Ngunit ang tunay na pastol nananatili hanggang kamatayan
At kaya't sya'y mahal din ng butihing Dios na Ama
Sapagkat handa Syang mamatay nang ang kawan ay maligtas