ENGKANTO
Sa kabundukan may diwata
Namuno sa bayang masagana
Ngunit dumating ang panahon
Ang tao ay naging gahaman
Inubos ang gubat at hayop
Nagalit ang diwata
Kumulog at kumidlat
Dumagsa ang bagyo
Kapag bilog ang buwan maririnig
Malungkot niyang awit
Sa isang baryo sa hilaga
May sanggol na bagong silang
Ang nanay ay pumanaw
Iniwan ang sanggol sa ama
Hatinggabi may katok sa pintuan
Anino ng asawang lumisan
Nakaunat kanyang mga kamay
Isang halimaw na naghihintay
Isang panaginip
Na paulit-ulit
Mga ingay sa yong isip
Na di matahimik
Wag maniwala
Sa sinasabi nila
Wag mapaibig
Sa hiwaga ng Engkanto
Nakaunat kanyang mga kamay
Kaluluwa'y iyong ibibigay
Naririning mo ba nag mga awit
Patuloy ang bagyo
Mga kaluluwang di matahimik
Sa mundong mapanganib