Mahal Naman Kita

Talaga yatang wala nang pag-asa
Upang ako'y iyong piliin pa
Pa'no mangyayari gayong ako'y 'di mo pansin
Pa'no mo malalaman sa 'yo'y may pagtingin

Lagi na lamang sa 'king isipan
Sana ito'y iyong maramdaman
Masabi ko na sana na minamahal kita
Do'n mo lang malalaman pag-ibig ko'y hanggang

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Nguni't 'di bali na kahit mahal mo s'ya
Mahal naman kita

Kung totoo'ng lahat ng 'yan
Sana ako'y nangangarap na lang
Sayang man 'yan ay isang pangarap lamang
'Di naman ako gaanong masasaktan oh

Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Nguni't 'di bali na kahit mahal mo s'ya
Mahal naman kita

Hmm
Pa'no mangyayari kung gayong ako'y 'di mo pansin
'Di mo ba nalalaman na pag-ibig ko'y hanggang
Pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa
Bakit may mahal ka nang iba
Nguni't 'di bale na kahit mahal mo s'ya
Mahal naman kita oh (pangarap ka na lang ba o magiging katotohanan pa bakit may mahal ka nang iba)

Nguni't 'di bali na kahit mahal mo s'ya
Mahal naman kita
Mahal naman kita

Músicas más populares de Morissette

Otros artistas de Contemporary R&B