Taxi

Mamang taxi hinto mo muna
Maghahanap ng matatanungan
Ayokong magtagal
Sayang ang oras ko
Mahal pa sa gasolina

Nakasimangot na ang araw
Metro natin ay tumatawa

Manong teka ihinto mo muna
May nakita akong tindahan
Sa may tapat may nakatambay
Mga lalaking walang magawa

Tama po ba ang nilikuan
Diretso lang ba o kakanan

Magtatanong lang po
Ito ba ang tamang daan
Magtatanong lang po
Ito ba ang tamang daan

Manong teka itabi mo muna
Lubak-lubak ang mga daan
At sandali lang
Sino 'tong mamang
May hawak na mapa

Kanina ka pa nandito
Nabulag na sa katatanong

Magtatanong lang po
Ito ba ang tamang daan
Magtatanong lang po
Ito ba ang tamang daan

Magtatanong lang po
Ito ba ang tamang daan
Nagtatanong lang po
Ito ba ang tamang daan

Músicas más populares de Moonstar 88

Otros artistas de Alternative rock