Hilom (from "Unbreak My Heart")
Sa'n ba pupunta 'pag nasasaktan?
Paano makakalimutan
Ang iyong pangalan?
Kung ikaw lang ang minahal ng ganyan
Magpapagaling muna
'Di naman ako nagpapaalam
Sandali lang kailangang humingang saglit
Balang araw ay babalik
Sana 'pag muling nagkita
Wala na ang sakit at 'di na mangangamba
Hindi na matatakot magmahal muli
Balang araw ikaw ang hahanapin
Pag buo na ulit
at Naghilom na
Kailangan ko munang mapag-isa
Pahingahin ang pusong di pa handa
Kung pipilitin baka lang mawala
Hindi ka lilimutin
Mananatiling panalangin na
Sana 'pag muling nagkita
Wala na ang sakit at 'di na mangangamba
Hindi na matatakot magmahal muli
Balang araw ikaw ang hahanapin
Pag buo na ulit
at Naghilom na
Di man alam sa'n dadalhin
Malayo man ang marating
Hindi na kayang pagpalit
Ang puso mong tahanan sa kin
Mananatili lang sa yo
Sana 'pag muling nagkita
Wala na ang sakit at 'di na mangangamba
Hindi na matatakot magmahal muli
Balang araw malayang iibigin
Pag buo na ulit
at Naghilom na
Maghihilom na muna