Ang Iwasan [Halfway Point]

Saan ba titingin 'pag nandiyan ka na
Magkukunwari na naman bang 'di kita kilala
Oh pwede bang kahit isang sulyap man lang
Pipikit na lang ba o magkukunwaring

'Di ako nasasaktan pag 'di mo pinapansin
Oh iiwas na lang ulit 'di naman matago ang sakit
Kaya patawad kung lalayo na muna
'Di pa kasi kayang makita ka

Pa'no bang burahin ating alaala
At tuluyang palayain ang akalang tadhana
Oh saan ba nagsimula kung tago ating pagkawala
Kaya patawad kung lalayo na muna

'Di pa kasi kayang makita ka
Makita kang masaya habang ako'y 'di makalaya
Mahal patawad kung mahal pa rin kita

Oh
Oh

Nakikita kita kahit pa nakapikit
Kailangan bang mahirap oh ang sakit-sakit
Nakikita kita pero titikom muna ang bibig
At baka may masabing 'di mo pwedeng marinig

Oh
Oh

Kaya patawad kung mahal pa rin kita (oh)
Kahit nalaman na may mahal ka nang iba
Oh
Oh

Músicas más populares de Moira Dela Torre

Otros artistas de Film score